Privacy notice
Version 2026-10-v1
Sino kami
Ang BarangayKo ay serbisyo ng Grid Technologies na ginagamit ng iyong barangay. Ang barangay ang Personal Information Controller ng iyong datos; ang Grid Technologies ang nagpoproseso nito para sa barangay (RA 10173, Data Privacy Act of 2012).
Ano ang kinokolekta namin
Ang kailangan lang ng certificate: pangalan, kasarian, kaarawan, civil status, address sa barangay, gaano ka na katagal nakatira, mobile number, at detalye ng certificate. Sa ilang certificate, may ilang dagdag na tanong, gaya ng pangalan ng negosyo.
Bakit
Para maproseso at maibigay ang certificate na hiniling mo, para ma-text ka ng update, at para masuri ng kahit sino kung totoo ang certificate. Ang public verification page ay nagpapakita lang ng uri at numero ng certificate, naka-mask na pangalan, mga petsa at barangay — hindi kailanman ang address, kaarawan o layunin mo.
Sino ang makakakita
Mga kawani ng barangay na nagpoproseso ng certificate, at ang Punong Barangay na pumipirma. Ang mga awtorisadong opisina ng munisipyo (hal. MSWDO) ay maaaring tumingin ng records para sa serbisyong panlipunan, sa ilalim ng data sharing agreement; bawat pagtingin ay naitatala. Hindi namin ibinebenta o ibinabahagi ang datos mo para sa marketing.
Gaano katagal itinatago
Kinansela o hindi kinuhang request: 1 taon. Naibigay na certificate: 10 taon. Ang maliit na verification record ay itinatago para laging masuri ang certificate. SMS code logs: 90 araw.
Ang iyong mga karapatan
Maaari mong hilingin sa barangay na makita, itama o burahin ang iyong datos (ang pagbura ay ayon sa retention sa itaas), at maaari kang magreklamo sa National Privacy Commission. Makipag-ugnayan sa barangay hall o sa aming Data Protection Officer sa [email protected].